Spiritual
Building-Stone No. 195
(Tagalog Version)
Ang Salitang Nobya – Ikinasal kay Cristo!
“... Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa’t sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia.” (Efeso 5:25-32).
Pakinggan ang sabi ng Propeta ng Diyos tungkol sa bagay na ito:
Ngunit, kita n’yo,
una, ay ang pagdidesisyon, ang susunod ay ang pakikipagkasintahan, pagkatapos
ay ang pangako, at ang seremoniya. At iya’y kapag kinuha na ng nobya
ang pangalan ng Nobyo. Hindi na niya taglay ang dati niyang pangalan; bagkus
ay kinukuha niya ang pangalan ng nobyo.
At kapag ginanap na ng iglesia ang seremoniya, at nangako sila sa isa’t
isa, kung magkagayon ay kukunin na niya ang Pangalan ng Nobyo. At hindi na
siya isang iglesia ng sanlibutan; sa halip ay iglesia na siya ng Panginoong
Jesus Cristo. Amen. Hindi lamang sa pamamagitan ng pangalan ang tinutukoy
ko; kundi sa pamamagitan ng kapanganakan, sa pamamagitan ng kalikasan, sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng katotohanan ng Diyos
na nahayag sa kaniyang puso ay nagiging isa siyang Cristianong iglesia, ang
dakila, unibersal na iglesia apostolica. Nagiging kabahagi siya ni Cristo.
Kapag nagawa niya ang bagay na iyan, siya... itinuturok sa kaniya ni Cristo
ang sarili Niyang Espiritu, ang sarili Niyang buhay (Roma 8:-11; Efe. 5:30-32).
At ang sabi ng Biblia tungkol kay Adan at kay Eva, “Hindi na kaya dalawa,
kundi isa.” At kapag ang babae, ang iglesia ay ikinasal na kay Cristo,
hindi na sila dalawa. Sila ay isa na: si Cristo na nasa inyo (Col.1:27-28).
Amen. Iyan na ‘yon. Ang buhay Niya ay ipinaloob sa inyo. Upang kayo
ay maging nobya. [1]
Pagisipan ninyo ito. Hindi lamang tayo nakikipagkasintahan, bagkus tayo’y ikinasal na. Ang Iglesia ay ikinasal kay Cristo. Tayo ang Asawa ni Cristo, upang magluwal ng mga anak. [2]
Ngayon, alalahanin n’yo, ang sasabihin mo, “Buweno, ito ang pinaniniwalaan namin, subalit hindi namin pinaniniwalaan ang bagay na iyan.” Kung kayo’y ikinasal kay Cristo, si Cristo ay ang Salita ng Diyos. Ang sabi sa San Juan 1:1-3 at 14-18, “Sa pasimula ay ang Salita, at ang Salita ay sumasa Diyos, at ang Salita ay Diyos.” At Siya ay nagkatawang tao at tumahan sa gitna natin. Si Cristo ay ang buhay na Salita. Noon pa man ay Siya na ang Salita; Siya’y nananatili pa ring Salita; mananatili Siyang Salita habang panahon. [3]
Ngayon, ngayon, sinabi
Niya noon na sa huling mga araw ay lilitaw ang bagay na ito upang ipanumbalik
ang mga tao sa Salita, upang makilala ng Nobya ang Asawa Niyang Lalaki, makikilala
Niya ang Kaniyang Kabiyak, ang ipinahayag na Salita. Iyan ang dahilan kung
bakit kailangan itong maganap. Hindi nangyari ang bagay na ito sa panahon
ng mga reformer; sa kapanahunan nina Luther, Wesley, maging sa kapanahunan
ng mga Pentecostal, at lahat ng iba pa. Iyan ang sabi ng Kasulatan. Subalit
ito ay darating; iyan ang pangako Niya sa kapanahunang ito.
Tayo’y nabubuhay sa kapanahunan kung kailan magaganap ang Kaniyang pagdating.
At ang Nobya ay makipagkaisa sa Kaniya. Sinomang babae ay kailangang pakisamahan
ang asawa niyang lalaki, sapagkat ang dalawang ito ay isa. At ang Nobya ni
Cristo ay kailangang makipagkaisa sa Kaniya, sapagkat ang dalawang ito ay
Isa, at Siya ay ang Salita, hindi ang denominasyon, kundi ang Salita. Tayo
ay mga anak ng Kaliwanagan, at ang Liwanag ay Salita na siyang Liwanag sa
kapanahunang ito. Paano natin makikilala ang Liwanag, malibang magmula Ito
sa Salita. Tama. Ang Salita na nagkatawang tao ay ang Liwanag sa kapanahunan
kung iyong mapapagtanto ang bagay na Ito; iyan ang sabi ng Biblia. [4]
Ang sabi ni
Jesus, “Kung paano sa mga kaarawan ng Sodoma” pakinggan ninyong
maigi, “sa mga kaarawan ng Sodoma, gayon din naman ang mangyayari sa
araw na ang anak ng tao ay mahayag.” (Lucas 17:28-30). Hindi na bilang
isang iglesia, hindi na po; tinawag na ang Nobya. Kita n’yo? “Sa
araw na ang Anak ng tao ay mahayag.” Upang ano? Upang ihugpong ang Iglesia
sa Ulo, pag-isahin, ito ang pagkakasal sa Nobya.
Sa ganitong kalagayan paparito ang Nobyo, kapag ang Anak ng tao ay nanaog
at nagpakilala sa pamamagitan ng makataong laman upang ang dalawa ay pag-isahin.
Ang Iglesia ay kailangang maging Salita; Si Cristo ay ang Salita, at ang dalawa
ay magiging isa, at upang mangyari ang bagay na iyan kailangang magkaroon
ng manipestasyon ang paghahayag ng Anak ng tao. Hindi isang clerigo. Nakikita
ba ninyo ang ibig kong sabihin? Kita n’yo, ito’y Anak ng tao,
si Jesus Cristo, ay paririto sa pamamagitan ng makataong laman sa gitna natin,
at gagawin Niyang reyalidad ang Kaniyang Salita upang pag-isahin Siya at ang
Iglesia, ang Nobya, at pagkatapos Siya’y Uuwi na para sa piging ng kasalan.
Amen. Siya’y ganap nang nakipag-isa; magtutungo tayo sa piging ng kasalan,
hindi sa kasalan. “Tayo’y mangagalak at tayo’y mangagsayang
mainam, at siya’y luwalhatiin; sapagkat dumating ang pagkakasal ng Cordero,
at ang kaniyang asawa ay nahahanda na.” (Apoc. 19:7). Ngunit ang pag-agaw
ay hahantong sa piging ng kasalan. Kapag ang Salita ay nakipag-isa sa isang
tao, at silang dalawa ay naging isa, ano ang gagawin nito? Ipapahayag nito
muli ang Anak ng tao, hindi ang mga teologo, kundi ang Anak ng tao. Ang Salita
at ang Iglesia ay ganap ng naging isa. Ano man ang gawin ng Anak ng Tao, Siya
ay ang Salita, iyan din ang gagawin ng Iglesia. [5]
Ngayon, kung
ang mga kalikasang iyon ng Diyos ay tayo, hindi natin magagawang mabuhay sa
pamamagitan ng mga credo; hindi natin magagawang mabuhay sa pamamagitan ng
denominasyonalismo; kailangan nating mabuhay sa pamamagitan ng Salita, sapagkat
ang Nobya ay bahagi ng Nobyo kung paanong ang asawang babae ay bahagi ng asawa
niyang babae; samakatuwid, ang Nobyang Salita na iyon ay tayo. At ano nga
ba ang Nobyang Salita? Ang manipestasyon sa oras na ito, ang Nobya, hindi
isang credo o denominasyon, kundi isang buhay na artikulo ng Diyos, isang
buhay na kalikasan ng Diyos na nagpapamalas sa sanlibutan ng mga kalikasan
ng Diyos sa anyo ng Nobya na kailangang maipahayag sa oras na ito na kinabubuhayan
natin.
Hindi nagawa ni Marthin Luther na ipamalas ang mga kalikasan na ipinapahayag
natin sa ngayon, sapagkat ito ay naroon na sa pasimula, ang pagkabuhay na
mag-uli, tulad ng butil ng trigo na nahulog sa lupa.[6]
At ang ipinangako Niyang Salita. Hindi mo kailangang ipaliwanag ang bagay na Ito, Siya ang magpapaliwanag Nito sa iyo, ang gagawin mo lamang, ay kung ano ang ipinangako Niyang gagawin mo. Ang iglesiang sumusunod sa Kaniya ay magiging katulad na katulad Niya hanggang sa sila ay makilala at mabasa ng mga tao (II Cor. 3:1-3). [7]
Kita n’yo ipinapakita lamang nito na: ipagkaloob ninyo ang lalong maigi; ipagkaloob ninyo ang inyong buhay; ipagkaloob ninyo ang inyong panahon; ipagkaloob ninyo ang lahat kay Cristo! At ang Espiritu ring iyon na nabuhay kay Cristo ay mapapasainyo (Rom. 8:11), at ang impluwensiya ninyo sa inyong mga kapitbahay at sa mga taong kasalamuha ninyo, ay magiging katulad na katulad ni Cristo hanggang sa ito’y makagawa na ng mga bagay na ginagawa ni Cristo noon. [8]
Ang Katawan ng Diyos ay ganap nang naging isa tulad ng Kaniyang Nobya, Isa na... Siya at si Cristo ay magkasama, ang Espiritu ay gumagawa ngayon sa pamamagitan ng laman ng iglesia katulad ng paggawa Nito sa pamamagitan ng laman ni Jesus Cristo noon, ‘pagkat Ito’y bahagi ng Kaniyang Katawan, hindi sila kambal, kundi Isa. Sila ay Isa. Ang asawang lalaki at asawang babae ay hindi na dalawa, kundi isa. At si Cristo at ang Kaniyang Katawan ay Isa. At ang Espiritung nakay Cristo noon ay nasa Nobya na ngayon, nasa Kaniyang Katawan, ang kabuuan ng Salita ang nag-uugnay sa kanila. At ang Diyos mismo ay mananahan diyan at ipapahayag ang Sarili Niya. [9]
Ngayon, siya, bilang isang babae, kung Siya ay kasal kay Cristo na Salita, hindi na siya maaari pang ikasal sa isang iglesiang denominasyon, sapagkat siya’y nakagapos sa bagay na ito. Hindi siya maaaring mabuhay na may dalawang asawa na magkasabay. Sapagkat sila ay magkasalungat sa isa’t isa (Rom. 7:1-4). Ang isa ay sugo ng Diyos; samantalang ‘yong isa ay gawang-tao. Kaya’t sila’y magkasalungat. Ang sabi Niya, “Ang Diyos ay tapat, datapuwa’t ang bawat tao’y sinungaling.” Iyan ang sabi ng Diyos (Rom. 3:4). [3]
Kailangang mamatay ang dati mong asawa, ang sanlibutan. Tama ‘yan. Ang iyong bagong Asawang Lalaki ay ang Salita. [10]
May isang Nobya, hindi isang dosenang denominasyon, kundi isang Nobya; iyan ay ang Hinirang mula sa ibabaw ng lupa, na itinalaga sa bagay na ito, yaong makakasumpong sa kanilang bahagi sa Kaharian. [11]
Kaya nga kailangang dumaan ang iglesia sa pag-aaring ganap, santipikasyon, bautismo ng Banla na Espiritu (pagsasauli ng mga kaloob), patuloy hanggang sa humantong ito sa anyo at larawan ni Cristo. Si Cristo ang Nobyo; ang Iglesia ang Nobya; at ang Nobya ay bahagi ng Nobyo. Kailangang ito’y iglesiang Salita, hindi isang iglesiang makadenominasyon. Ito ay ang iglesiang Salita, ang Salita na nahayag sa pamamagitan ng binindikang Salita ng Diyos. [12]
Ito ang sinisikap
kong sabihin sa inyo. Ang batas ng reproduksiyon ay ang mamunga ang bawat
binhi ayon sa kaniyang uri, ganito rin ang sinasabi ng Genesis 1:11, “At
sinabi ng Diyos, sibulan ang lupa ng damo, panananim na nagkakabinhi, at punong
kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi
sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon.” Anoman ang buhay na naroon sa binhi
ay siya nitong padadaluyin sa puno patungo sa bunga. Iyan din ang batas na
umiiral sa iglesia sa araw na ito. Anoman ang binhing pinagmulan ng isang
iglesia ay siya nitong ipapamunga sa huli at ito’y magiging katulad
ng orihinal na binhi sapagkat isang binhi lamang ito. Sa huling mga araw na
ito ang tunay na Iglesiang Nobya (ang binhi ni Cristo) ay hahantong sa Pangulong
bato, at siya ay magiging isang sobrenatural na iglesia, isang sobrenatural
na lahi, samantalang siya ay papalapit sa Kaniya. Ang mga bahagi ng Nobya
ay magiging katulad na katulad Niya na sila’y magiging kawangis na kawangis
Niya. Ito ay upang ganap sila na maging kaisa Niya. Sila ay magiging isa.
Sila ang pinaka-manipestasyon ng Salita ng buhay na Diyos. Hindi magagawa
ng mga denominasyon (maling binhi) ang mga bagay na ito. Ang magagawa lamang
nilang palitawin ay ang kanilang mga credo at dogma, isinasangkap nila ang
mga ito sa Salita. Ang paghahalong-lahi na ito ay namumunga ng produktong
hybrid.
Ang unang anak na lalaki (si Adan) ay ang binigkas na binhing-Salita ng Diyos.
Binigyan siya ng isang nobya upang magluwal ng isa pang katulad niya. Iyan
ang dahilan kung bakit pinagkalooban siya ng isang nobya, upang iluwal ang
isa pang tulad niya; upang ipanganak ang isa pang anak ng Diyos. Subalit siya
ay nahulog. Nahulog siya sa pamamagitan ng isang gawaing hybrid. Siya ang
naging dahilan upang siya ay mamatay.
Ang ikalawang Anak na lalaki (si Jesus), isa ring binigkas na Salitang-Binhi
ng Diyos ay pinagkalooban din ng isang nobya tulad ni Adan. Ngunit bago pa
man Niya siya pakasalan, siya man ay nahulog din. Siya, tulad ng nobya ni
Adan, ay inilagay sa isang pagsubok upang mapatunayan kung sasampalatayanan
niya ang Salita ng Diyos at siya’y mabuhay, o pagalinlanganan niya ang
Salita at siya’y mamatay. Nagalinlangan siya. Iniwan niya ang Salita.
At siya ay namatay.
Mula sa isang munting kalipunan ng tunay na binhi ng Salita, pagkakalooban
ng Diyos si Cristo ng isang minamahal na Nobya. Siya ay birhen sa Kaniyang
Salita. Isa siyang birhen sapagkat wala siyang nalalaman na makataong credo
o dogma. Sa pamamagitan ng mga kabahagi ng Nobya ay matutupad ang lahat ng
bagay na ipinangako ng Diyos na kailangang ipamalas ng isang birhen.
Iibigin Siya ng mga kabahagi ng birheng nobya, at tataglayin nila ang Kaniyang
mga katangian, sapagkat Siya ang kanilang ulo, at ang lahat ng mga kapangyarihan
ay nauukol sa Kaniya. Silang lahat ay magpapasakop sa Kaniya kung paanong
an gating katawan ay nagpapasakop sa ating ulo. [8]
Hindi ba’t sinabi ni Jesus na sa huling mga araw (Mateo 24:24) ang dalawa ay magiging magkahawig na halos ay madaya na nito pati ang mga binhi, mga predestinado, ang Isang Hinirang, kung maaari? Kahawig na kahawig ito ng tunay, ganiyan sa huling mga araw... Ngayon, kita n’yo, panahon ito ngayon ng trigo. Papalapit na ang panahon ng pagaani. Hindi ito kapanahunan ni Luther; hindi ito kapanahunan ng Pentecostal; ito ay kapanahunan ng Nobya. Kung paanong tinawag ni Moises ang isang nasyon mula sa loob ng isang nasyon, tinatawag din ni Cristo ang isang iglesia mula sa isang iglesia, magkatipo ito, upang dalhin sila sa maluwalhati at eternal na lupang pangako. [13]
Iyan ang hiwaga. Bago
pa man maparito si Cristo o bago pa man magkaroon ng anomang bagay sa ibabaw
ng lupa (Nakikita ba ninyo ang dakilang hiwaga Niya?) ay pinili na Niya ang
Nobya, dahil nalalaman Niya na mahuhulog si Eva sa pamamagitan ng di-pananampalataya
sa Salita, dahil nalalaman Niya na siya ay mahuhulog, subalit Siya ay pumili
ng isang Nobya na hindi na mahuhulog, panghahawakan Niya ang Salita anoman
ang sabihin ng buong sanlibutan tungkol sa bagay na Ito; kakapit sila sa Salita.
Itinalaga sila upang manindigan sa bagay na ito. Ang pagkukupkop sa mga anak
sa pamamagitan ni Jesus Cristo ang nagtalaga sa Iglesia sa dakila at maluwalhating
paninindigan na ito (Ef. 1:3-4).
Ngayon sa buong panahon, sa buong panahon ay malumanay niyang ibinubunyag
ang hiwagang ito. Nakikita na ba ninyo ngayon? Kung ano ang katipong larawan
nito? Binuksan Niya ang tagiliran ni Adan at kumuha mula sa bahagi ng kaniyang
laman, kay Adan, upang likhain si Eva (Gen. 2:1-24). Kailangang maging Salita
ang Nobya, sapagkat Siya ay ang Salita. Hindi Siya maaaring tumindig sa mga
credo at dogma; hindi Niya magagawang tumindig sa denominasyon; hindi Siya
maaaring tumindig sa mabuting ugali; tanging sa Salita lamang Siya maninindigan,
sapagkat Siya ay bahagi Nito; Siya ay hinugot mula kay Cristo. Kita n’yo?
[15]
Gaano ka man
karelihiyoso, gaano man karami ng simbahan ang dinadaluhan mo, gaano man karami
ng aklat kung saan nakatala ang iyong pangalan, kung ang tunay na Banal na
Espiritu ay nasa iyo, na siyang Salita na nahayag, makikita mo ang Mensahe
at ang oras, sapagkat ang Banal na Espiritu ang gumagawa sa bagay na ito.
Subalit may isang liwanag na kailangang suminag, isang inspirasyon ang kailangang
tumama sa iyo. Dahil kahit pabahain mo ng tubig ang lupa, kung wala namang
binhing naroon sa ilalim upang tumugon, paano ito tutubuan ng halaman? Wala
naman palang binhi sa ilalim nito. Ang totoo, tanging ang Hinirang nlamang
g Diyos ang makakasumpong sa bagay na Ito.
Nasumpungan Ito ng mga Hinirang ng Diyos sa panahon ni Noe, sa panahon ni
Moises, sa panahon ni Jesus, sa panahon ng mga apostol, sa panahon ni Luther,
sa panahon ni Wesley, sa panahon ng Pentecostal, sapagkat iyon ang Binhi na
nasa lupa nung ibuhos ang inspirasyong ito. Ngayon, samantalang ibinubuhos
ang inspirasyong ito upang tipunin ang Nobya, tanging ang mga Hinirang lamang
ang makakasumpong sa bagay na Ito. Ang sabi ni Jesus, “Ako’y nagpapasalamat
sa Iyo, Ama, na Iyong inilihim ang bagay na ito sa mga pantas at matatalino,
at ipinahayag Mo sa mga sanggol.” (Mat. 11:25-27). Ngayon, kailangang
tamaan ng isang inspirasyon ang bagay na ito.
At hindi na tayo nabubuhay sa kapanahunan ni Luther, ni sa kapanahunan man
ni Wesley, o sa kapanahunan ng Pentecostal. Ang kapanahunan ng Pentecostal
ay ang pagsasauli lamang ng mga kaloob sa iglesia, subalit tayo’y nabubuhay
sa madilim na panahon; tayo’y nabubuhay sa isang kapanahunan kung kailan
ang Nobya ay tatawagin palabas.
At kung paanong naging mahirap sa mga Catolico na tanggapin si Luther, at
sa mga Lutheran na tanggapin si Wesley, at ang mga Wesleyan na tanggapin ang
kapanahunan ng mga Pentecostal, ay gayon din mahihirapang tanggapin ng mga
Pentecostal ang kapanahunang ito. Sa tuwina ay iyan ang nangyayari, sapagkat
ang bagay na ito ay ibinubuhos lamang sa isang binhing hinirang, at tanging
sa bagay na ito lamang. [16]
Nalalaman ng Nobya kung saan Siya nakatayo. Kakaunti lamang Siya. Kaunti lamang
ang maliligtas, kaunting kaunti lamang. Sasabihin mo, “Buweno, ang sabi
nila ay libulibo.” Siyanga, subalit ang mga ito ay magmumula sa dalawanlibong
taon na nakalipas, sa bawat kapanahunan kung saan ang mga ito ay nagsilabas.
Ang kapanahunan ni Luther sampu ng mga tagasunod niya, pagkatapos nito ay
nangamatay sila, at humantong sila sa pagiging denominasyon... At si Wesley,
at dumating naman ang mga Pentecostal, at lahat pati na ang nagkasanga sangang
mga Baptist, Presbyterian, Methodist, Nazarene, Pilgrim Holiness at lahat
ng iba pa. Kita n’yo, ang lahat ng mga ito ay umusbong na tila mga dahon.
Ngunit alalahanin n’yo, nung ito ay bumaba, at ang butil ay nagsimula
ng mahinog, makikita ninyo na bago pa man mahinog ang butil na ito, ang bawat
bahagi ng tangkay nito ay mamamatay. Aleluya. Hindi ba ninyo nakikita kung
nasaan na tayo? Ang buhay ay nasa binhi muli. Ano ito? Eksaktung eksakto kung
paano nahulog sa lupa ang Butil na ito, ito’y si Jesus muli sa anyo
ng Nobya: isang kapangayarihan, isang iglesia, isang Salita.
Ang Salita ring ito na dumaloy sa buong panahon ay humantong na sa ulo. At
ang lahat ng Buhay na dumaloy sa buong panahon, ay dinampot ang mga tao, at
ngayon ay nabubuo na ito hanggang sa ulo at handa na sa pag-agaw. Kapag ikaw
ay hiwalay na sa una mong asawa sa pamamagitan ng espirituwal nakamatayan
(Rom. 7:1-6). Ngayon, ikaw ay ipinanganak na muli o ikaw ay muling ikinasal
sa bago mong espirituwal na asawa, hindi ang natural na buhay ng mga bagay
ng sanlibutan, bagkus ay ang Buhay na Walang Hanggan. Ang Binhing iyon na
nasa iyo na sa pasimula pa, ay nasumpungan ka. [3]
Ngayon, ito’y panahon ng binhi o panahon ng Nobya. Nangamatay na ang mga ipa. Natuyot na ang mga ipa. Ang panahon ng birheng Salita, hindi pa ito nadudungisan... Ito’y isang birhen. Alalahanin ninyo, panahon ito ng birheng Salita. Kapag inilagay mo ang bagay na ito sa kamay ng denominasyon, tiyak na hindi na ito magiging birhen. Pagpapa-pasahan ito ng mga makataong kaparaanan. Datapuwa’t ang iglesia ng Diyos ay hindi masasaling ng anomang denominasyon (Aleluya.); Ito’y hayag na Salita ng Diyos na iniluwal ng isang birhen: si Jesus Cristo, ay Siya ring kahapon, ngayon, at magpakailan man. Aleluya. Kamanghamangha. Mahal ko ang bagay na ito. Sinasampalatayanan ko ito. Nalalaman ko na ito ay Tunay. Hindi ito maaaring salingin. Walang maka-denominasyong pamamaraan ng tao ang maaaring kumontrol sa Nobya na iniluwal ng isang birhen. Wala po. Siya’y inutusan ng Diyos na lumabas mula sa bagay na ito. “Huwag kayong magsihipo sa kanilang karumihan...” (Apoc. 18:4-5). [17]
Walang sinomang ministro ang maaaring makipag-asawa sa isang balo [maliban sa biyuda ng isang saserdote]. Nalalaman ba ninyo ang bagay na iyan? Nais ba ninyong basahin ang bagay na iyan? Tama, tunghayan ninyo sa Levitico 21:7 at Ezekiel 44:22 at ipapakita nito sa inyo na ang mga saserdote ay hindi nararapat mag-asawa ng isang babae na dumaan na sa ibang lalaki. Ito ang tipo ng birheng Nobya ni Jesus Cristo, dahil pinangangalagaan nila ang apoy ng Diyos, iyan ang gampanin ng mga saserdote, ang mga anak na lalaki ni Aaron. Iyan ang dahilan kung bakit hindi sila maaaring mag-asawa ng isang babae na dumaan sa kamay ng ibang lalaki. Iyan ang sabi ng hindi nagbabagong Diyos... Ipinapakita nito sa isang tipo, kung nais ninyo itong makita, na ang iglesia ng Diyos na buhay ay dalisay, walang dungis na Salita ng Diyos at hindi isang denominasyon na pinamamahalaan ng tao. [18]
Kung paanong si Cristo ay ang Isa na unang bumangon sa lahat ng mga propeta at lahat na (bagamat itinitipo ang bagay na ito sa maraming pagkakataon, Siya ang Unang Bunga sa lahat ng mga nangatutulog), sa pagparito ni Cristo sa anyo ng Nobya, mula sa isang iglesia, mayroon ding Bigkis na aalugin na muling iwawagayway sa huling mga araw (Lev. 23:9-16). Ay naku. Bigkis na aalugin, ano ba ang bigkis na ito? Ang unang nahinog, ang unang bunga na nagpatunay na ito ay isang trigo ay ang tunay na bigkis. Aleluya. Tiyak ako na nauunawaan ninyo ang tinutukoy ko. Ito ay iwinawagayway sa mga tao, at sa unang pagkakataon na mayroong lilitaw sa panahon ng Nobya, para sa pagkabuhay na mag-uli mula sa madilim na denominasyonalismo, patungo sa isang Mensahe na siyang magtatanyag na ang buong Salita na nahinog ay naipanumbalik na sa buong kapangyarihan Nito at ito ay iwinawagayway sa mga tao sa pamamagitan ng parehong mga tanda at kababalaghan na dati rati Niyang ginagawa noon. [19]
Reference:
[1] “Marriage Of The Lamb” (62-0121E), par. E-44
[2] “Second Coming Of The Lord” (57-0417), par. 87
[3] “Invisible Union Of The Bride” (65-1125), pg. 10, 12, 31,
32
[4] “Feast Of The Trumpets” (64-0719M), pg. 18
[5] “Proving His Word” (64-0816), par. 235-236
[6] “Things That Are To Be” (65-1205), par. 33-34
[7] “God’s Chosen Place Of Worship” (65-0220), par. 93
[8] “Pergamean Church Age” (60-1207), par. 83, CAB pg. 171-172
[9] “What Shall I Do With Jesus” (63-1124M), par. 134
[10] “God’s Only Provided Place Of Worship” (65-1128M),
par. 124
[11] “Future Home” (64-0802), pg. 57
[12] “Modern Events Made Clear By Prophecy” (65-1206), par. 118
[13] “Leadership” (65-1207), par. 140-141
[14] “God Of This Evil Age” (65-0801M), par. 31-32
[15] “Christ Is The Mystery Of God Revealed” (63-0728), pg. 56,
60, 29, 30
[16] “I Have Heard, But Now I See” (65-1127E), par. 103-107
[17] “Seed Not Heir With The Shuck” (65-0218), par. 111
[18] “Marriage And Divorce” (65-0221M), pg. 36
[19] “The Rising Of The Sun” (65-0418M), pg. 15
Spiritual Building-Stone
No.195 (Sinalin saTagalog) mula sa Ipinahayag na Salita sa Oras na Ito, tinipon
ni:
Brother Gerd Rodewald, Friednster. 69, D-75328 Schomberg, Germany
www.biblebelievers.de, Telepono: (+49) 72 35 76 13, Fax: (+49) 72 35 33 06
"May isang taong darating na may dalang Mensahe na galing mismo
sa Biblia, at isang mabilis na pagkilos ang lalaganap sa mundo. Ang mga binhi
ay malalathala sa mga pahayagan, babasahin, hanggang sa Ito ay marinig ng
bawat predestinadong Binhi." [Bro. Branham sa,"Conduct-Order-Doctrine", pahina
724]