Espirituwal ng Batong- Patibayan Bilang 9

KATIYAKAN

 
 

 

 

 


Paano ako magkakaroon ng karapatan na magkaroon ng walang hanggang mana?

(Efeso 3:5-6).

 

Alalahanin n’yo: si Jesus ang gumawa at sumakdal ng inyong pananampalataya! (Hebreo 12:1-2). Siya Mismo ang patuloy na nagdaragdag sa inyong pananampalataya: Dumarating ang liwanag sa kapuwa liwanag, ang buhay sa kapuwa buhay, ang Salita sa kapuwa Salita, ang kapahayagan sa kapuwa kapahayagan. Sa pamamagitan niyan ay lumalago ang iyong pananampalataya; sapagkat ang pananampalataya ay isang kapahayagan tungkol sa kalooban ng Diyos. Ang pananampalataya ay siyang kapanatagan ng mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita (Hebreo 11:1-2).

 

Ano ba ang ginawa ni Abraham upang higit na maging malakas ang pananampalataya niya? Naging malakas ang pananampalataya ni Abraham sa pamamagitan ng pagkakaloob niya sa Diyos ng kaluwalhatian, paggalang at papuri – mayroon siyang ginawa (Roma 4:17-21).

 

Ang sabi ng ikapitong anghel sa Apocalipsis 10:1-7: ‘Paano mo masasabi na maaari kang pumirmi lamang sa bahay at manatili kang isang mabuting Cristiano? Hindi mo maaaring gawin ang bagay na iyan. Basahin mo ang Salita! Ang Espritu Santo ay nabubusog sa Salita. Ang Biblia ay ang espirituwal na pagkain ng Diyos para sa Kaniyang Iglesia. At ang Espiritu Santo ang Siyang nagdadala nito sa iyo at ipinupuwesto ito sa iyong puso, at bunsod ng pasasalamat ay dinidiligan mo Ito. At ang bawat Banal na pangako ay matutupad nang eksakto sa pagkakasabi ng Diyos. Kailangan itong matupad. Ito’y Salita Niya, at Ito’y buhay’ (Juan 6:63; Juan 5:39).

 

Diligan mo ang pananampalatayang nasa iyo, ng kapahayagan ng Salita, at purihin mo ang Diyos dahil sa iyong pananampalataya na sinlaki ng butil ng buto ng mustasa! At ito’y lalaki na tulad sa isang puno at higit na magiging dakila ang bagay na ito (Mateo 17:20). Sa pamamagitan nito ay lalo mo Siyang mararanasan, at makikilala mo kung sino ka. Mararanasan mo kung paano lumalago ang iyong pananampalataya. (II Tesalonika 1:3).

 

Pansinin n’yo ang sabi Niya sa atin, “Kung kayo’y magsipanatili sa Akin, at ang Salita Ko’y magsipanatili s inyo...” (Juan 15:7). Kita n’yo, sampalatayanan mo Siya. Magsipanatili kayo sa Akin, at mananatili ang Aking Salita sa inyo, hilingin ninyo ang anomang inyong ibigin. Ngayon, kita n’yo, kilala Niya kung sino Siya, samakatuwid mayroon Siyang pananampalataya. Ang pananampalataya ay may kakayanang gumawa kapag nakilala Nito kung sino Siya. Ngayon, “Kung kayo’y magsipanatili sa Akin, at ang Salita Ko’y magsipanatili sa inyo,” kung magkagayon ay kilala na ninyo kung sino kayo. Hilingin ninyo ang anomang ibigin ninyo, ito’y ipagkakaloob sa inyo.

 

Purihin ang Diyos dahil sa  munting buhay na nasa inyo – dahil ang tunay ninyong pananampalataya, ang kapahayagan ng Diyos – at ang pananampalatayang ito ay lalago. Patuloy Niyang dinidiligan ang Kaniyang Binhing-Salita na nasa inyo sa pamamagitan ng Kaniyang dugo, sa pamamagitan ng Kaniyang Espiritu. Purihin ang Diyos, hanggang sa maabot mo ang lubos na katiyakan ng iyong pananampalataya (Hebreo 10:19-22; Isaias 44:3).

 

Huwag kayong magtayo sa buhangin, huwag kayong magtiwala sa mga imahinasyon, pakiramdam, sensasyon o mga tanda at kababalaghan; bagkus ay magtayo lamang kayo sa ibabaw ng Bato (Mateo 7:24-27)!

 

Ipatotoo ninyo ang inyong kapahayagan tungkol sa Kaniya – ang tungkol sa Batong ito, ang banal na kapahayagan – kung sino Siya noon, kung sino Siya ngayon at sa darating. At Siya ay ang Salita. Sa pamamagitan nito ay magtatagumpay ka laban sa mga pintuan ng hades (Mateo 16:13-20).

 

Darating ang mga bagyo at atake ng buhay, at kailangan mo ng katuwiran, katapangan at katatagan upang makapanatili kang nakatayo. Hindi ba’t sinabi ng Salita ng Diyos: “Mga minamahal, kung tayo’y hindi hinahatulan ng ating puso, ay may pagkakatiwala tayo sa Diyos” (I Juan 3:21)?

 

Samakatuwid huwag ninyong balewalain ang malilit na mga bagay, ang mumunting mga payo at paalala sa inyong buhay! Pahalagahan ninyo ang munting ulap na tulad sa kamay ng isang lalake sa dagat: ang ulan ng pagpapala ay nalalapit na (I Hari 18:44). Panatilihin ninyo ito sa inyong mga paningin at magkaroon kayo ng isang positibong pagasa! Ipatotoo mo ang iyong kapahayagan na kadalasa’y tila baga minamaliit mo, at ito ay lalago. Panghawakan mong matibay ang Salita na nagkaroon ng buhay sa iyo, at mararanasan mo na ang kapahayagan sasagana. Magpatuloy ka sa pagkilos, pagpuri at pagsamba, hanggang sa tuparin Niya ang Kaniyang pangako at iyong maaabot ang ganap na katiyakan. Ang tatak ng Diyos ay ang katunayan na ipinagkaloob na ng Diyos sa iyo ang karapatan sa walang hanggang mana. Kung magkagayon ay maaari mo ng ipagmalaki ng may kagalakan ang tatlong bagay na binasa natin ng tatlong ulit (!) sa I Juan 5:18-20: “Nalalaman natin...”

 

Halimbawa. T. 19: Nalalaman natin na tayo’y sa Diyos, at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama.”

 

Magpatuloy tayo hanggang sa makamit natin “ang mga kayamanan ng lubos na katiwasayan ng pagkaunawa, upang makilala nila ang hiwaga ng Diyos, samakatuwid baga’y si Cristo, na Siyang kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at kaalaman. (Colossas 2:2-3). Kaya nga: makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito’y tinawag ka (I Timoteo 6:12). Ipagpatuloy n’yo ang pagbasa sa II Timoteo 4:7.

 

Tanging ang mga mananagumpay lamang ang puputungan. Samakatuwid magsipagtagumpay kayo sa pamamagitan ng biyaya ng dakilang mananagumay na nasa loob ninyo – ang Espiritu Santo – ang inyong mga suliranin, karamdaman, kahirapan... (Roma 8:37; I Juan 5:4). Ang magtagumpay ay nangangahulugan na nalampasan mo na ang pagsubok, na ikaw ay nakapasa sa pagsusulit. At dahil sa pagtatagumpay ang iyong pananampalataya ay lumalago at ito’y nasusubok nang husto, at dahil dito ay nakakatiyak ka na may inihanda Siyang tagumpay sa iyo kinabukasan.

 

Santiago 1:2-4, “Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo’y    mangahulog sa           sarisaring    tukso; Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis. At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo’y maging sakdal at ganap,na walang anomang kakulangan. Ngunit kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Diyos, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito’y ibibigay sa kaniya.

 

Santiago 1:12, “Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso: sapagka’t pagkasubok sa kaniya, siya’y tatanggap ng putong ng buhay, naipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa Kaniya.”

 

Ang kahulugan ng pagtanggap ng putong ng buhay: ay ang lumuklok at magharing kasama ng dakilang Hari Mismo. Umabante kayo, angkinin ninyo ang inyong mana, ang mga pangakong nakalaan sa inyo! Kilalanin at panindigan ninyo ang inyong karapatan na na ipinagkaloob ng Diyos sa pamamagitan ng papuri at pagsamba! At dahil dito ay lalago ang ating pananampalataya araw araw, sapagkat kung ang ating panloob na kaaway ay patay na – samakatuwid baga’y ang lumang pagkatao, ang atng sarili, ang dating kalikasan na umiibig sa maruming sanlibutan na ito -, mayroon pa rin tayong pakikipagbaka araw araw laban sa mga panlabas na kaaway. Makakaharap mo sila sa dako ng digmaan sa loob ng makataong kaisipan at sa lob ng katawang laman na ito – sapagkat ang kaaway ay dumarating sa pamamagitan ng masasamang kaisipan at pagaalinlangan (Deutoronomeo 9:1-6 at Josue 1:1-9). Subalit si Jesus ay sumisigaw sa inyo:

 

Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian (takot): ngunit laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan” (Juan 16:33).

 

 

Reference:

"Entombment", par. 54

"Perfect Faith", par. 76-77

"Restoration Of The Bride Tree", pg. 19

 

 

 

Espirituwal na Batong- Patibayan Bilang 9 vmula sa Ipinahayag na Salita sa oras na ito (ikalawang bersiyon), tinipon ni:

 

 

Gerd Rodewald

Friedenstr. 69, Bieselsberg

D-75328 Schömberg

Germany

Phone (0) 7235 7613

Fax (0) 7235 3306

www.biblebelievers.de