Ang
Pamumuno ng Diyos
Roma 8:14
“Sapagkat ang lahat ng mga
pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos, ay sila ang mga anak ng Diyos.”
Galacia 5:18
“Datapuwa’t kung kayo’y pinapatnubayan ng Diyos ng Epiritu
ng Diyos, ay wala na kayo sa ilalim ng kautusan.”
Pakinggan
ninyo kung ano ang sinabi ng Propeta ng Diyos tungkol
sa bagay na ito:
Kinakailangang
pumili ka ng iyong pinuno. Pumili ka na ngayon.
Piliin mo ang Buhay o kamatayan. Ang iyong pagpili ang
siyang magtatakda sa iyong eternal na destinasyon,
kung ano ang pipiliin mo. Alalahanin mo, ang sabi ni Jesus, “Sumunod ka sa
akin.” (San Lucas 18:18-22). At ikaw man ay inaanyayahan sa
gabing ito. At upang masundan mo Siya sa Buhay na Walang Hanggan kinakailangang
tuparin mo ang Kaniyang mga pamantayan (Tama ‘yan.), ang Salita, hindi sa pamamagitan
ng mga credo, hindi sa pamamagitan ng opinyon ng nakakarami, hindi sa
pamamagitan ng iniisip ng iba tungkol sa bagay na Ito.
Alalahanin mo, ang sabi ni Jesus, “Sumunod ka sa Akin. Sumunod ka sa
Akin. Iwanan mo ang iyong tinatangkilik,at sumunod ka
sa Akin.” At iyan lamang ang tanging paraan upang makamit ang Buhay na Walang hanggan. Iyan lamang ang tanging paraan na
ipinagkaloob Niya sa taong ito, ang tanging paraan na inialok Niya sa
negosyanteng ito; iyan lamang ang tanging paraan na iniaalok Niya sa sinoman. Ang Kaniyang pagpili, Siya ang nagdidesisyon; ito’y palaging
sakdal. At ang pagsunod natin sa Kaniya, ang tanging paraan upang makamit natin ang Buhay
na Walang Hanggan. Kaya ang pamumuno ng Diyos ay ang pagsunod sa binindikang Salita sa kapanuhan sa pamamagitan ng
Araw
araw ay mayroon tayong sinusundan, sa bawat oras, sa
bawat hakbangin. Kinakailangan tayong pangunahan ng
Panginoong Jesus Cristo. Kung hindi natin ito
magagawa, buhay na maka-organisasyon ang makukuha natin. At ang isang buhay na hindi sumusunod kay Cristo araw araw ay hindi
karapatdapat.
Kapag ipinanganak ka ng Espiritu,
ikaw ay nagiging isang bagong nilikha, at sinisimulan ng Diyos na ituring ka bilang anak, at ika’y pinangungunahan ng
Espiritu ng Diyos.
Si Pablo ay isang
bilanggo. Hindi siya gumagawagawa lamang ng mga
salita. Sinasanay siya muli ng
Espiritu Santo na maghintay sa Salita. Ngayon,
nasanay kasi siya sa ibang paraan (ni Gamaliel),
subalit sinanay siya ng Diyos sa ibang kaparaanan. Sinanay siya ng
Ngayon, may isang bagay akong
ipapakita sa inyo sa tulong ng
Kita n’yo, marunong siyang maghintay
sa Panginoon. At maraming mga tao ngayon ang
nagbibigay ng kahihiyan sa Salita. Humahayo
sila taglay ang isang ambisyon. Ilang rebaybal na
ba ang nabigo dahil sa hindi hinintay ng ebanghelista ang nais sabihin ng
Panginoon?
Ngunit
si Pablo ay naghintay na sabihin sa kaniya ng Espiritu
ang nararapat niyang gawin. Kung saan naroon ang pamumuno ng Espiritu...
Iyan ang dahilan... May ilang
ministro ang lumalapit sa akin at inaaanyayahan nila ako
na magtungo sa kanilang lugar. Naghihintay
ako hanggang sa maramdaman ko na kinakailangan ko
talagang pumunta. Dahil kung basta na lamang ako
pupunta, paparoon ako dahil lamang sa sarili kong pangalan (kung iyan ang
dahilan ng aking pagpunta), dahil lamang sa magkaibigan tayo. Subalit kapag nararamdaman ko na kailangan ko talagang magpunta, kung gayon ay magagawa
kong pumaroon taglay ang Pangalan ng Panginoon Jesus. Bumaba ka na sa eroplano, dahil siya ay para sa iyo. Amen. Magagawa kong angkinin ang lahat ng bagay sa Pangalan ni Jesus
Cristo. Sa paraang iyan mo Siya masusumpungan sa
dakong iyon, sapagkat ikaw ay embahador ng Diyos (II Cor.
Kailangang
pangunahan ka ng isang inspirasyon, kapatid. At ang inspirasyong iyan ay
nagmumula sa
Ang lahat ng mga anak na lalaki at babae ng Diyos ay pinangungunahan ng Espiritu
ng Diyos. Kumikilos sila sa pamamagitan ng Espiritu,
kakaibang kakaiba. Nananatili sila sa tama, at ang bawat galaw nila ay ayon sa Biblia.
Nananatili sila, ang lahat ng kanilang katuruan ay ayon at batay sa Biblia. Hindi sila lumilihis. Kung ano ang sinabi ng Biblia, iyon lamang
ang ginagawa nila. Kapag huminto sila ng isang sandali, pinag-aaralan nila kung ano ang nararapat gawin; pagkatapos ay ipinapahayag ito sa kanila ng
Tatanggapin ng Diyos ang lahat ng ipagkakaloob
mo sa Kaniya, subalit ang nais ng Diyos ay ang lahat
sa iyo. Ang nais ng Diyos ay ang bawat himaymay na
nasa iyo. Ang nais Niya ay ang kabuuan mo. Ang nais Niya ay
ang buhay mo. Ang nais Niya ay ang iyong patotoo. Ang
nais Niya ay ang bawat sandali ng iyong buhay. Nais
Niyang mamuhay ka ng tama, kumilos ka ng tama, mangusap ka ng tama, gumawa ka ng
tama. Ang nais Niya ay ang ganap
na pagsuko ng lahat sa Kaniya, upang magawa Niyang pangunahan ka, at patnubayan
ka, upang magawa Niyang ilagay ka sa mga dako na nais Niyang patunguhan mo, kung saan
pangungunahan ka ng Espiritu.
Ang diablo ay tunay na matalino at tuso. Nalalaman niya kung
paano puntiryahin ang isang bagay bago pa man ito magsimula; batid niya ang
bagay na ito. Kita n’yo? At ang tanging magagawa mo lamang upang
gapiin siya, ay ang magtiwala ka kay Cristo at magpakumbaba ka at hayaan mong pangunahan
ka Niya. Maliban diyan ay
wala ka ng iba pang paraan.
Walang kakayanan ang iyong
intelektuwal na kapangyarihan sa bagay na ito. Kailangan mong sampalatayanan ang bagay na ito at magtiwala ka sa Kaniya. Siya
ang Pastor. Hindi tungkulin ng isang tupa na
itaboy ang lobo, tungkulin ito ng Pastor; subalit
kinakailangang manatili ng tupa sa isang Pastor upang manatili siyang ligtas.
Ang Dakong ligtas sa akin, ay kay Cristo, at si Cristo
ay ang Salita. Iyan ang Dakong ligtas.
Ang Gawain ng
Ilan ba ang nakakaalala sa inyo tungkol sa isang mabuting propeta, si Samuel, nung
ang buong
Ngunit masdan ninyo ang Israel sa ngayon, nasaksihan nila ang mga himala. Iyan ang unang
Pentecostes: ang
Hindi nga nila alam
At hindi ako
mahusay manalita, subalit iniibig ko ang Panginoon. At hindi
ko magagawang ibigin ang Diyos nang hindi ko muna iniibig ang Kaniyang bayan.
Kita n;yo? Kinakailangang ibigin ko
ang Kaniyang bayan. Kaya nga kapag iniibig ko ang Kaniyang
bayan, iniibig ko rin Siya. At ang nais ko ay ang
umibig katulad Niya, ang nais kong maging layunin, ay ang katulad ng layunin
Niya; at iyan ay ang makagawa ng mabuti
sa tuwina, ang makatulong sa iba.
Ngayon, hindi ako basta nagtutungo
sa ganitong mga lugar dahil lamang gusto, bagkus ginagawa ko ang bagay na ito
dahil nararamdaman ko na kinakailangang maghasik ng binhi sa isang dako,
ginagawa ko ang lahat para sa Kaharian.
Ang Biblia ang may sabi na ang mga hakbangin ng isang taong matuwid ay ginagabayan
ng Panginoon (Mga Awit 37:23). Ngayon gumagawa tayo ng mga bagay na hindi... Hindi natin nauunawaan kung
bakit natin ito ginagawa, subalit nagpapatuloy lamang tayo. Samantalang pinangungunahan ka ng Espiritu,
gawin mo lamang ito. Marahil ay salungat ito sa ating
iniisip, subalit kapag sinabi ng Espiritu Santo na, “Humayo ka,” humayo
ka.
Halimbawa ngayon ay mayroon sana
akong pagtitipong nakahanda doon sa New York; nitong linggong ito, kung saan
may tatlong daang katao na Espanyol ang salita ang aarkila sa Madison Square
Garden na maaaring magkasya ang labingsiyam na libong katao, at nais nilang
magtungo ako roon nitong linggong ito doon sa New York. Kita
n’yo? Ngunit pinangunahan ako ng
Espiritu Santo sa dakong ito (sa Port
Si Pablo ay isang bilanggo ni Jesus Cristo, nabihag siya ng Kaniyang Salita sa
pamamagitan ng Espiritu. Oh, ‘yan ang gusto ko. Nagapos siya. Nagapos siya sa
pamamagitan ng isang kadena, sa pamamagitan ng mga tanikala ng pagibig upang
gawin lamang ang kalooban ng Diyos. Isa siyang bilanggo.
Siya ay gapos ng tanikala ng pagibig. Nakasingkaw na siya kay Cristo. Hindi na siya
maaari pang makipamatok kanino man. Nakasingkaw na siya sa Kaniya, kung kaya’t
saan man Niya siya pangunahan, doon lamang siya nagtutungo, gaano man kaluntian
ang daraanan sa dakong ito o sa kabila; kinakailangang tahakin niya ang landas
na kung saan pinangungunahan siya ng Pinuno at ng pamatok.
Oh, sa gabing ito, kung magagawa lamang
nating mga taga Branham Tabernacle na ipabilanggo ang ating mga sarili, sampu
ng ating mga ambisyon, at maisuko natin ng lubusan ang ating mga
sarili at makipamatok tayo sa Kaniya. Ano man ang isipin ng buong mundo,
ano man ang gawin ng buong mundo, tayo’y nakasingkaw na
sa Kaniya taglay ang tanikala ng pagibig; tayo ay mga bilanggo. Ang aking mga
paa ay nakasingkaw na nang husto kay Cristo, hindi nito magagawang sumayaw; ang
aking mga mata ay nakasingkaw na nang husto kay Cristo at kahit
na—nakahambalang pa ang mga babaeng ito na halos ay hubad na sa karsada;
ipipihit nito ang aking paningin; ang aking puso ay nakasingkaw sa Kaniyang
pagibig na di ko na magawa pang ibigin ang sanlibutang ito. Ang aking kalooban
ay nakasingkaw na ng husto sa Kaniya sukdulang maging
ang aking mga ambisyon ay hindi ko na alam.
Hindi
ako naniniwala na ang isang lingkod ng Diyos, na
pinangungunahan ng Espiritu, ay lalabas sa kalooban ng Diyos. Sapagkat samantalang siya ay pinangungunahan ng Espiritu, iyan ang
kalooban ng Diyos. Magkaminsan ay nakakagawa siya ng mga bagay bagay na hindi niya nalalaman kung bakit niya ito ginagawa at
hindi niya mapagtanto kung bakit nga ba niya ito ginagawa, subalit ang Diyos
ang Siyang gumagawa ng bagay na ito sa ikabubuti. “Ang lahat ng bagay ay
nagkakalakiplakip sa ikabubuti ng lahat ng nagsisiibig
sa Diyos.” ‘yan ang sabi ng Kasulatan (Roma
Mga minamahal kong
kaibigan, sinikap ko sa buong buhay ko, na gawin ko ang lahat subalit ako ay
bigo. Sinikap kong maging tapat sa aking
pakikipagugnayan sa Diyos at sa aking kapuwa tao. At ito ang bagay na pinagsisikapan ko, sa tuwina, ang kumilos at gawin kung
ano lamang ang sinasabi sa akin ng Espiritu Santo. Iyan ang dahilan kung bakit ako nagtutungo sa iba’t ibang dako, at
magkaminsan ay tinatanggihan ko ang ibang pagtitipon, at sa halip ay nagtutungo
ako sa ibang lugar, sapagkat sinusunod ko ang pamumuno ng Espiritu.
Reference: “Leadership”, par.
285, 289 / “Is Your Life Worthy Of The Gospel”, par. 72, 73 / “ “Five
Identifications”, par. 184 / “Paul, A Prisnoner of Christ”, pg. 14_16 / “Convinced
And Concerned”, pg. 7 / “Rejected King” (60-0610), par. 184 / “The Unfailing
Realities Of God” (60-0626),par. 173, 184 / “Third Exodus”, pg. 33 / “God’s
Power To Transform”, par. 177 / “Smyrnaean Church”, par. 31-32, 59-60 /
“Letting Off The Pressure” (62-0513E),par. 28-29, 16/ “A Greater Than Solomon
Is Here” (62-0725) / “Queen OF Sheba” (60-0710), par. E-41/”The Ark”, par. 186
Espirituwal na Batong-Patibayan
Blg.114 mula sa Ipinahayag na Salita sa Oras na Ito, tinipon ni:
Brother Gerd Rodewald, Friednster. 69, D-75328 Schomberg,
Germany
www.biblebelievers.de, Phone: (+49) 72 35 76 13, Fax: (+49) 72 35 33 06
May isang taong darating na may dalang Mensahe
na galing mismo sa Biblia, at isang mabilis na pagkilos ang lalaganap sa mundo.
Ang mga binhi ay malalathala sa mga pahayagan, babasahin,
hanggang sa Ito ay marinig ng bawat predestinadong Binhi. [Bro. Branham
sa, “Conduct-Order-Doctrine”,
pahina 724]