Spiritual Building-Stone No. 199

Si Cristo sa Lahat ng Kapanahunan

Hebreo 13:8, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.”

Pakinggan ang sabi ng Propeta ng Diyos tungkol sa bagay na ito:

            Nais kong mangusap tungkol sa paksa ng “Ang Nakilalang Cristo Sa Lahat ng Kapanahunan.” Sapagkat ang sabi ng Biblia Siya’y ang siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man, tungkol sa pagkakakilanlan kay Cristo sa lahat ng kapanahunan.

            Ngayon, Siya ay ang Salita. Siya’y ang Salita na ipinakilala sa kapanahunang iyon. Ngayon, ang problema sa mga tao sa ngayon, napapagtanto natin na nabubuhay sila sa sinag ng ibang kapanahunan, katulad din ng inabutan ni Jesus nung Siya ay pumarito. Natagpuan Niya sila na nabubuhay sa sinag ng kautusan at winawalang bahala ang nagaganap sa Kaniyang kapanahunan. (Lucas 19:41-44).
Nalalaman ba ninyo kung ano ang problema sa araw na ito? Kung ano ang problema ng mga Lutheran? Buweno, dahil nabubuhay sila sa sinag ng kapanahunan ng Lutheran (Rom. 1:17), nung masumpungan ni Wesley ang lihim ng santipikasyon (Juan 17:17-19), hindi nila nagawang sumabay, sapagkat nabubuhay sila sa sinag ng kapanahunan ni Luther.
Ano naman ang nangyari sa mga Pentecostal? Aba, lubhang naging organisado si Wesley sukdulang humantong na rin siya sa sinag ng ibang kapanahunan; iyon ang naganap sa kanila, sa kapanahunan ni Wesley, nung bumaba ang bautismo ng Banal na Espiritu sa mga Pentecostal (Mga Gawa 2:1-20). Kita n’yo, nabubuhay sila sa ipinangaral ni Wesley: santipikasyon. Nahirapan silang sampalatayanan ang bautismo ng Espiritu Santo, ang panunumbalik ng mg a kaloob. Nabubuhay sila  noon sa sinag ng ibang kapanahunan.
Iyan din ang bagay na ginagawa nila nung pumarito si Jesus. Ang sabi nila, “Mayroon na kaming Moises.”
Ang sabi Niya, “Kung kilala ninyo si Moises, dapat sana’y kilala ninyo kung sino Ako (Lucas 24:27). Sumulat si Moises tungkol sa Akin. Saliksikin ninyo ang mga Kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga Yaon ay mayroon kayong Buhay na Walang Hanggan; at ang mga Ito'y Siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin.” (Juan 5:39). Iyan ang lapat na Kasulatan tungkol sa bagay na ito: ipinapakilala, ipinapaliwanag ng Diyos ang Kasulatan ukol sa kapanahunang iyon. At ito’y walang iba kundi si Cristo. Ito’y si Cristo sa lahat ng kapanahunan. Siya’y ang siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.” Ito’y walang iba kundi si Cristo.
Ngayon, nasumpungan natin na ang ating mga kapatid na Pentecostal ay nabubuhay sa sinag ng isang kapanahunang Pentecostal, ngunit lumalampas pa rin sa kanila ang bagay na ito. Sinisikap nilang ipaliwanag ang kapanahunang Pentecostal, samantalang nalampasan na natin ang bagay na iyan. Nabubuhay na tayo sa kapanahunan ng pag-agaw, sa pagdating ng huling kapanahunan. Subalit iyan ang ginagawa ng mga tao. Ganiyan palagi. Higit pa sa sapat ang nakamit natin kumpara sa ibang kapanahunan. Naglaan ang Biblia ng sapat, at sa paraang iyan natin dapat tanggapin ang bagay na ito. Iyan ang nararapat. [1]

Nagawa na ng pagaaring-ganap ang bahagi nito, sa pagaaring-ganap sa ilalim ni Luther, at kailangang sumulong ito sa santipikasyon sa pamamagitan ni Wesley. At nagawa na rin ng santipikasyon ang bahagi nito, hanggang sa humantong ito sa bautismo ng Banal na Espiritu. At nagawa na ng bautismo ng Banal na Espiritu ang bahagi nito; hanggang sa ang Espiritu Santo (na, mayroon lamang isang Diyos) ay lumapat sa Iglesia, at ang Iglesia kay Cristo, at sa pamamagitan nito ay nai-rereplika si Jesus Cristo rito sa ibabaw ng lupa, tulad ng ipinangako Niya rito sa Biblia (II Cor. 3:23). Maaaring hindi ninyo ito paniwalaan; hindi ko kayo pipilitin, lamang ay may pananagutan ako sa Salita. [2]

Subalit ngayon ay humantong na tayo sa ulo, ang pangulong bato. “Biyaya! Biyaya!” sumigaw ang pangulong bato (Zech. 4:7). Nalampasan na natin ang kamatayan at credo, patungo sa buhay na Salita ng buhay na Diyos. Ang palatuntunan na inilaan ng Diyos sa Kaniyang kapanahunan, at ang mga anak Niya na ipinamuhay ang Salita sa kanilang kapanahunan sa pamamagitan ng Espiritu ang nagsilbing dingas upang ito ay patuloy na mag-alab; at sila ngayon ay nakaupo sa makalangit na mga dako (pangkasalukuyan), buhay na buhay at nagaabang sa bawat pangako na nasa Salita. At ano ang ginagawa ng bagay na ito? Sa iyo bilang isang bahagi ng binhi ng Diyos, na bahagi ng Salita, sampu ng lahat ng iba pang tao na bahagi din naman ng Salita ng Diyos, na walang lebadura. Walang lebadura sa gitna ninyo, tanging ang Salita lamang, nakaupo kayo sa makalangit na mga dako (Ef. 2:6), sa pintuan kung saan ay inilagay Niya ang Kaniyang Pangalan: Cristo Jesus. [3]

Ang Diyos na hindi nagbabago ay may taglay na karakter na hindi rin nagbabago, ang mga katangiana Niya ay nananatili. Hindi Niya magagawang baguhin ang Kaniyang mga katangian. Hindi Niya ito magagawa. Alinmang bagay ay nakikilala sa pamamagitan ng mga katangiang taglay nito (Lucas 24:28-32).
Alalahanin, ika’y nakikilala sa pamamagitan ng iyong mga katangian, ang Diyos ay nakikilala rin sa pamamagitan ng dakila Niyang mga katangian na hindi Niya binabago. Sinabi Niya sa Malakias 3:6.“Ako ang Diyos at hindi Ako nababago.” Kita n’yo? Tunay na hindi Niya magagawang magbago. Iyon pa rin ang mga katangian Niya. Sa tuwina ay nagpapamalas Siya sa ibabaw ng lupa sa dulo ng bawat kapanahunan, nagsusugo Siya palagi ng isang lalaki at pinapahiran Niya siya ng Banal na Espiritu, si Cristo. Ang Banal na Espiritu ay si Cristo, ang pinahiran, ang Logos. Lumitaw ito, at pumarito upang ipakilala ang mga salita sa kapanahunang iyon. Ang Salita ng Panginoon ay dumarating sa mga propeta (Iyan ang sabi ng Biblia, Amos 3:6-7) at ipinakikilala ang kapanahunang iyon. Kita n’yo? Sa tuwina ay gumagamit Siya ng tao.
Ngayon, hindi Niya ito maaaring gawin sa pamamagitan ng grupo. Hindi mo iyan maaaring gawin. Hindi pa iyan nangyari kailanman. Hindi Siya kailanman gumamit ng isang grupo. Isang tao lamang ang ginagamit Niya. Ang Israel ay naligtas bilang isang nasyon (Zacarias 12:10-14; 13:1-9), subalit ikaw ay maliligtas bilang isang indibiduwal (Apoc. 3:20). Isang tao lamang ang kinakausap Niya. Ni hindi nga Niya pinagsabay sina Moises at Elias. Hindi Niya pinagsabay sina Elias at Eliseo. Hindi Niya pinagsabay sina Juan at Jesus. Isa lamang parati ang ginagamit Niya, sapagkat nahahawakan Niya ang lalaking iyon sa pamamagitan ng Makalangit Niyang kalooban.
Masdan niyo ang mga kaarawan ni Jose na propeta, kung paanong si Jesus ay sakdal na naipakilala sa pamamagitan ni Jose. Siya ay ipinanganak, inibig ng kaniyang ama, kinamuhian ng kaniyang mga kapatid nang walang dahilan. Inibig niya ang kaniyang mga kapatid. Subalit katulad sila ng mga Fariseo na makasarili, at wala silang pakialam sa kaniya, at kinamumuhian nila siya dahil nakakakita siya ng mga pangitain at lahat na (Genesis 37:12-35; 41:1-46).
Ang mga katangiang taglay niya ay nagpapakita na iyon ay si Cristo. Si Jose ay isang propeta. Ipinanganak siya na isang propeta para sa kapanahunang iyon. Tama talaga ‘yan. Ngayon, nakita natin na ipinamalas ng Diyos ang Kaniyang mga katangian sa pamamagitan ni Jose.
Ngayon, nung dumating si Jose, hindi niya maaaring dalhin ang mensahe ni Noe. Kung paanong hindi rin dinala ni Noe ang mensahe ni Moises. Maging si Josue ay gayon din. Ang bawat  mensahe ay nakaukol lamang sa kapanuhang iyon. At sa kapanahunang kinabubuhayan natin, kapag naipaliwanag na ang Salitang iyan, sinasambitla ng Diyos ang Salita at binibigyang buhay Niya ang Salita sa kapanahunang iyon, at ito na ang kapaliwanagan Nito. Iyon ay ang Diyos na nahahayag sa pamamagitan ni Cristo, sapagkat si Cristo ay ang Salita. At kapag nahayag na ang Salita, iyon si Cristo sa bawat kapanahunan.
Siya ay nakay David, nung si David ay tanggihan ng sarili niyang bayan bilang isang hari, umakyat siya sa isang burol, nakatanaw siya mula sa Bundok ng Olivo matapos na siya ay itakwil ng sarili niyang bayan: umakyat siya sa isang burol, minamasdan niya ang bayan samantalang siya ay tumatangis (II Sam. 15). Walong daang taon pagkatapos niyon ay tumatangis din ang Anak ni David sa dakong iyon mismo, sapagkat tinanggihan din Siya ng Sarili Niyang bayan (Mat. 23:27; Lucas 19:28-44. [1] Oh, ang kabuuan ng Lumang Tipan ay mga buhay na nagsasalarawan kay Jesus. [4] Kita n’yo, ito’y si Cristo sa bawat henerasyon. Iyon ay si Cristo na nakay David.
Ang Biblia ang may sabi na tinalikuran ni Moises ang mga kayamanan ng Egipto, ang mga karangyaan at kayamanan ng Egipto, inari niyang malaking kayamanan ang kadustaan ni Cristo kay sa mga kayamanan (Heb. 11:23-27). At sinundan niya si Cristo sa ilang, ang Haliging Apoy na iyon (Exodus 13:21-22; 14:24). Buweno, Siya ay ang Logos na lumabas mula sa Diyos, si Cristo, ang Pinahiran. [1]
At ngayon, nalaman natin na sa bawat pagkakataon sa mga kapanahunang iyon, kalimitan ay hindi ito pinaniniwalaan ng mga tao, sapagkat kumapit na sila nang husto sa sarili nilang kaparaanan. Aba’y paliko ka na sa isang kanto. Kapag nagtatayo ka ng isang gusali, pagdating mo sa sulok, kahit pa ang lahat ay patungo sa ganitong direksiyon; at ayaw nilang lumiko sa kanto, aba’y lumiko ka. Dahil iyan ang direksiyon ng gusali, gaya din naman kapag sinabi ng Salita kailangan mo itong sundin. Kita n’yo? Diyan natin nakukuha ang mga bagay na ito na kung tawagin ay mga kanto ng kapahunan. Iyan ang bahaging mahirap. Sa bagay na iyan pinagpapawisan ang mga tao. Ngayon, alalahanin, hindi binabago ng Diyos ang mga kaparaanan Niya sa mga bagay bagay, sa tuwina ay ginagamit Niya ang Kasulatan. [5]
Ang mana sa kapanahunan ni Luther, ay hindi gagana sa Methodist. Ang mana ng Methodist ay hindi gagana sa Pentecostes. Ang mana ng Pentecostes ay hindi gagana sa araw na ito. Nakita ba ninyo ang ibig kong sabihin? Araw araw ay dumarating ang bagay na ito, sariwa, kaya nga ganiyan din Ito sa mga kapanahunan ng iglesia (Exod. 16).
Ang mana ni Luther ay ang mensahe ng pagaaring ganap. Ang mensahe ni Wesley ay ang manipestasyon ng santipikasyon. Ang Pentecostal ay ang pagsasauli ng mga kaloob. Subalit ang bagay na ito ngayon ay ang pagpapakilala sa Pangulong bato, ang huling kapanhunan, ang Punong Nobya, kung saan ito ay salungat sa lahat ng iba pa, gayon man Ito’y ang Liwanag na nauukol sa mga may gulang na. [2]
Si Elias, bilang isang lalaki ng Diyos, hindi siya katulad ni Cristo, nalalaman ni Cristo ang lahat ng bagay, ‘pagkat Siya ay Diyos. Si Elias ay bahagi ng Diyos. Iyon ay si Cristo na nakay Elias. At iyan ang mensahe sa kapanahunang iyon. Sapagkat ang Salita ng Panginoon sa oras na iyon ay nasa propeta.
Si Jesus ang Kapuspusan ng lahat ng mga propetang iyon (Col. 2:9-10). Ipinakikilala lamang nila kung sino Siya.; iyon lang. Ang lahat ng ito mula kay Jose, at ang tatlumpong piraso ng pilak, saan mang dako ay ipinakikilala niya si Cristo. Gayon din si Moises. [6]

Pansinin ngayon, sa buong panahon, ay unti unti Niya itong inilalantad, dahan dahan Niyang ibinubunyag ang mga hiwaga sa pamamagitan ng mga propeta at mga tipo. Ngayon, magagawa nating magpatuloy sa pamamagitan niya… dahil ipinapamalas Niya ang Kaniyang Sarili.
Ang lahat ng mga bagay na ito ay tumitipo sa Kaniya (sa tipo), gayon man ay nakatago pa rin ang hiwaga. Hindi nalalaman ng mga lalaking iyon ang ginagawa nila. Ang tanging nalalaman nila ay pinangungunahan sila ng Espiritu upang gawin ang isang bagay. Ngayon, inirereserba lamang ang bagay na ito para sa dakilang kapahayagan na nakalaan sa huling mga araw – datapuwa’t ito ay ipinapamalas. Ipinakilala ang Sarili Niya kay Moises, at kay David, at kay Jose, at kay Elias at sa mga sumunod na iba pa. Magagawa nating kunin ang lahat ng mga propetang iyon at pagaralan ang kanilang mga buhay at sakdal nating makikita na ipinapamalas nila si Jesus Cristo, eksaktung eksakto, gayon man ay hindi pa rin Niya lubos na ibinubunyag ang lahat ng lihim Niya, inilaan Niya ito sa huling mga araw kung kailan ipapahayag Niya ang bagay na ito, tulad ng ipinangako Niya, inaantay Niya na higit pa itong maunawaan bago Niya ganap na ipahayag ito. Kung sinaysay Niya ito ng buo… sapagkat ang Biblia’y naisulat sa pamamagitan ng mga hiwaga; pinasalamatan ni Jesus ang Ama dahil sa bagay na ito, na Ito ay naisulat sa pamamagitan ng mga hiwaga (Mat. 11:25). [7]
Hebreo 13:8, “Si Jesus Cristo ay Siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.” Ito’y Salita ng Diyos. Ito’y si Cristo na nakay Noe (Gen. 7:1,5). Ito ay si Cristo na nakay Moises (Exodus 32:32-33). Ito’y Espiritu ni Cristo. At ang buong manipestasyon ng Salita ng Diyos ay ipinakilala sa pamamagitan ni Jesus Cristo, sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos (Heb. 1:1-3). [8]
Kaya papasukin ninyo si Cristo sa inyong mga puso… si Cristo at ang Espiritu Santo ay isa lang. Ang Espiritu Santo, ang kahulugan ng “Cristo” ay “ang Pinahiran.” At ang Espiritu Santo ay ang Pahid, at ikay isang pinahiran. Kita n’yo? At ito’y si Cristo na nasa inyo na siyang pumapahid. Nakikita ba ninyo ang ibig kong sabihin?
Kung magkagayon ay tama ang taglay mo. At magagamit ka Niya saan man Niya ibigin na gamitin ka, ‘pagkat ika’y bahagi ng katawan at mayroon kang karapatan sa alin mang kaloob. (I Cor. 12:4-30). Ngunit kita n’yo, alin mang kaloob na labas sa katawan, ay hindi magdudulot ng kabutihan sa iyo (I Cor. 13:1-3). Kita n’yo? Huwag kayong dumipende sa mga bagay na iyon. Ang Espiritu Santo ay isang Persona; Ito’y Diyos, Diyos na nasa loob ninyo, ang Persona, ang Diyos, na Siyang nagliliwanag sa buo mong pagkatao. Ikaw ay binago na; ika’y isa ng bagong nilikha (II Cor. 5:17). Gaano man kaliit ng isang bagay, kung ito’y mali ay sasabihin Niya sa iyo, na tigilan mo ito; huwag mong gawin ang bagay na iyan. “Ama, hindi ko sinasadyang gawin ang bagay na iyan, patawarin Mo ako.” Kita n’yo? At iyan ang Espiritu Santo. [9]
Ang salitang “Cristo” ay nangangahulugang “ang pinahiran, ang isa na pinahiran.” Kung gayon si Moises ay ang Cristo sa kaniyang araw; siya ang isa na pinahiran. Si Jeremias na taglay ang bahagi ng Salita sa araw na iyon ay ang Cristo sa kaniyang panahon.
Subalit nung pumarito na si Jesus, pumarito Siya bilang Isa na Pinahirang Manunubos. At iyon ay si Moises sampu ng lahat ng nakay Moises, at ng lahat ng Salita, at ang kabuuan ng pagka-Diyos ay nananahan sa Kaniya (Col. 2:9-10). Iyan ang dahilan kung bakit napunit ang tabing (Mat. 27:45-53) at ang luklukan ng awa ay nalantad nang husto. Siya ang Isa na Pinahiran. [10]

Ngayon, napansin natin na nilikha ng Diyos ang isang Nobya para kay Cristo. At kailangang maging kaisa Niya ang nobya, sapagkat ito ay bahagi Niya. Ngayon, ang nobya ay bahagi Niya. Kung kaya’t kailangang maging bahagi ng nobya ang Salita sa araw na iyon, sapagkat ito’y si Cristo. Ngayon, pinaniniwalaan ba ninyo ang bagay na iyan? Kailangang tayo ay mapakay Cristo. Kay Cristo, tayo ay kailangang nakay Cristo, sa loob ni Cristo, bahagi ni Cristo. Ano nga ba ang babae? Kapag kinuha ng lalaki ang isang babae, kailangang maging bahagi niya ang babae. Hindi na sila dalawa; sila’y isa na. Gaya nang pagiging isa ni Cristo at ng Diyos, sila ay isa, ‘pagkat ang Diyos ay ang Salita, at ang Salita ay nagkatawang tao (Juan 1:1-3, 14-18). Ang laman at ang Salita ay naging Isa. At kapag ang iglesia ay naging nobya na ni Cristo, siya at ang mga Ebanghelyo ay isa na. [11]

Reference:
[1] “Identified Christ Of All Ages” (64-0401), par. 4, 13-16, 18, 38, 40
[2] “There Is A Man Here That Can Turn On The Light” (63-1229M), par. 187, 162
[3] “God’s Only Provided Place Of Worship” (65-1128M), par. 262-263
[4] “Darkest Hour, Then Jesus Comes Along” (55-1114), par. 15
[5] “Christ Is Identified The Same” (64-0415), par. 41
[6] “Jesus Came And Called” (64-0213), par. 53-54
[7] “Christ Is The Mystery Of God Revealed” (63-0728), pg. 30-33
[8] “Turn On The Light” (64-0125), par. 29
[9] “Questions & Answers” (64-0830M), COD pg. 1079
[10] “Unveiling Of God” (64-0614M), par. 186-187
[11] “Identified Masterpiece Of God” (64-1205), par. 68

Spiritual Building-Stone No. 199 from the Revealed Word of this hour, compiled by:
Gerd Rodewald, Friedenstr. 69, D-75328 Schömberg, Germany
www.biblebelievers.de, Fax: (+49) 72 35 33 06


There´s coming one with a Message that´s straight on the Bible, and quick work will circle the earth. The seeds will go in newspapers, reading material, until every predestinated Seed of God has heard It.
[Bro. Branham in „Conduct-Order-Doctrine“, page 724]