Spiritual Building-Stone 193
“…At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa. At siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan…”
(Apocalipsis 5:1-10).
Pakinggan ang sabi ng Propeta ng Diyos tungkol sa bagay na ito:
Ngayon, inabot ng ating Kamaganak ang selyadong Aklat ng katubusan mula sa orihinal na Mayari, ang orihinal na Mayari… Nung mawala ito sa atin doon sa hardin ng Eden, sa pamamagitan ni Adan (Gen. 3:6-7), bumalik ito sa orihinal na Mayari. Subalit may isang poachersi, isang squatter; ‘yan ay si Satanas. Basta na lamang siya dumating; siya’y isang poacher, isang squatter. Ang mundong ito ay hindi niya pag-aari, ito ay sa Diyos. subalit siya’y isang poacher, isang squatter. Naku, may isang bagay na nais ko sanang baggitin, ngunit hindi na muna sa ngayon.
Ito ay ang titulo ng ating katubusan, ang Aklat na ito na may pitong tatak. Ito ang titulo. Abangan ninyo kapag humantong na tayo sa mga tatak.
Binuksan Niya ang mga tatak, ipinahayag, ipinagkaloob sa atin ang mana na ukol sana sa Kaniyang bayan. (Heb. 1:1-2; Lev. 25:25-28). Ipinagkaloob Niya sa atin ang mana na minana Niya sa pamamagitan ng pagiging Kamaganak na Manunubos, at ipinagkaloob Niya sa atin ang bagay na ito ng walang bayad. Ang lahat ng bagay na ito ay sa Kaniya. Siya mismo ang tumubos. Ngunit sa halip na sarilinin Niya ang bagay na ito, ipinamahagi Niya ito sa mga tao (Rom. 8:17). Iyan ang pagibig Niya sa atin. O! [1]
Napagkakamalan ng maraming mga tao na ang lupang pangako ay ang milenyum. Hindi ‘yon. Sa lupang pangako ay mayroong digmaan at patayan (Josue 24:6-14). Sa milenyum ay walang digmaan at patayan. Ito (ang lupang pangako) ay maihahambing sa Espiritu Santo, ang dako ng digmaan.
Pagaaring-ganap: iniwan nila ang Egipto. May tatlong bahagi ang kanilang paglalakbay. Iniwan nila ang Egipto sa ilalim ng pagaaring-ganap, nananampalataya sila sa Salita; inihiwalay nila ang kanilang mga sarili sa mga Egipcio at sila ay lumabas. Tumawid sila sa Pulang Dagat at pinatay nila ang lahat ng nasa likuran nila (Rom. 8:12-13); na siyang santipikasyon sa pamamagitan ng Dugo na siyang pumapatay sa lahat ng mga makataong pagnanasa sa kasamaan, ito ang ikalawang bahagi ng paglalakbay. Subalit ang ikatlong bahagi ay nung tawirin nila ang Jordan patungo sa lupang pangako kung saan naroon ang kanilang mana. Wala doon sa Egipto ang kanilang lupang pangako , bagamat sila ay pinagpala ng Diyos doon sa Egipto.
Kayong mga Lutheran na sumasampalataya sa pagaaring-ganap, kung kayo’y totoong tinawag ay hindi pa iyan ang inyong mana. Kung kayo’y sadyang mga Lutheran nga, aba’y hanggang diyan na nga lamang kayo (Rom. 1:17).
Kayong mga Methodist, ang mga Nazarene, at mga pilgrim Holiness, at mga Iglesia ng Diyos, na sumasampalataya sa santipikasyon, ang pagpatay sa kasamaang nasa inyo (Rom. 8:12-13), ang pagbunot sa mga ugat ng kasamaan, kayo’y nababagay doon sa kabila ng ilog (I Pedro 1:2).
Subalit kayo na mga lalaki at babae na nagtataglay ng isang bagay sa loob ninyo, may isang pagtawag, ang kalaliman ay tumatawag sa Kalaliman; mayroon pang Jordan na kailangang tawirin, at isang lupain na naroon sa kabila ng ilog (Gal. 5:16). [2]
Ngayon, napapagtanto ba ninyo kung ano ang kahulugan ng pagtawid sa Jordan? Naririto na tayo sa dakong ito ngayon. Kaya tumawid na tayo. Tigilan na natin ang paglalaro. Tumawid na tayo doon sa kabila ngayon, ‘pagkat ito’y nakalaan para sa atin. Ang lahat na bagay na ito’y sa atin. Hindi kailanman nabigo ang mga pangitaing iyon. Hindi maaaring mabigo ang mga ito, sapagkat nanggaling ang mga ito sa Diyos. Sinasampalatayanan ko ng lubos ang lahat ng bagay na ito. Hindi tayo mga upahan na manunumalik doon sa ilang. Tatawirin natin ang Jordan, magkakaroon ng paghihiwalay. Ang Diyos, binuksan Niya sa atin ang mga Tatak na naroon sa likod ng Aklat. Pasukin na natin ngayon ang dakilang lugar na ito, sapagkat binahagi na ni Joshua sa bayan ang kanilang mana na itinagubilin sa kanila ng Diyos (Joshua 1:1-9). [3]
O, kapatid na lalaki at babae, ang Diyos ay Diyos pa rin, at hindi Siya nagbabago. Ipinagkaloob Niya sa atin ang upain. Ipinagkaloob Niya sa atin ang lahat ng mga pagpapala; ito’y sa ating lahat kung magagawa lamang natin na Siya ay ating sampalatayanan (Rom. 8:32). Magagawa ba ninyong sampalatayanan Siya, at ibigin Siya, at sampalatayanan Siya ng buo ninyong puso, na magagawang tuparin ng Diyos ang lahat ng bagay na ito? [4]
Siya’y ating Kamaganak na Manunubos. Tama ba? Na ang Diyos ay nahayag sa laman upang kunin ang ating lugar, upang Siya ay maging Kamaganak natin (Fil. 2:5-11). Tulad ng nakasaad sa Aklat ni Ruth, at sa Exodo, at lahat na, inilahad ng mga ito kung paano tayo naging kamaganak ng Diyos. At bumaba ang Diyos at tumahan sa Kaniyang Anak, na si Cristo Jesus, at naging Kalahi natin Siya. At Siya ang ating Kamaganak na Manunubos (I Tim. 3:16).
At isang pampublikong testimonyo ang kailangang isagawa sa harap ng Israel sa mga pintuang-bayan, at hinubad ni Boaz ang kaniyang panyapak upang ipahayag na totoong tinubos niya si Naomi (Ruth 4:1-12). At sa pamamagitan ng pagtubos niya kay Naomi, ay nakuha niya si Ruth bilang Nobya.
At si Jesus, nung tubusin Niya ang Israel, ay nakuha naman Niya ang Gentil na Nobya. Isinagawa Niya ang pampublikong testimonyo. Itinaas Siya sa pagitan ng kalangitan at ng lupa na tulad sa isang Watawat, sa labas msimo ng pintuang-bayan ng Jerusalem. At doon binayaran ang kabuuang halaga. Sa pamamagitan niyon ay natubos tayo (Rom. 3:21-26). At ang lahat n gating mga mana ay nawala—ang ating kalusugan, an gating lakas, ang ating kaligtasan—ang lahat ng mga bagay na nawala noon dahil sa pagkahulog, ay pawang natubos doon sa Kalbaryo. Hayan na. [5]
Paano magagawang idespise ng mga tao ang Makalangit na pagpapagaling at ang kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli ng Panginoong Jesus, samantalang isang pampublikong watawat ang winagayway doon sa Kalbaryo, na, “Tinubos Ko ang buong sangkatauhan sampu ng lahat ng bagay mga na nawala.” Tinubos Niya ang ating kaluluwa, tinubos Niya ang ating katawan, tinubos Niya ang lahat ng bagay na nawala noon dahil sa pagkahulog (Ef. 1:7-8). Ang ating Kamaganak na Manunubos ay dumating at nagkatawang tao, at tumahan sa gitna natin (Juan 1:1-3, 14-18), at winagawayway ang bandila, at ang sabi, “Tapos na” (Juan 19:30). Ano nga ba ang natapos? Ang lahat ng bagay ay tapos na. nilalakaran na lamang natin ang mga mana. At habang lumilipas ang panahon, palapit na tayo ng palapit sa bagay na ito. [6]
Ang mga bakas ng paa ay nangangahulugan ng pagaari, kapatid. Ang kailangan ng Iglesia ngayong gabi ay mga bakas ng paa sa lupaing ito. Huwag kayong manatili ng matagal sa Jordan. Magpatuloy pa tayo upang matuklasan natin kung ano talaga ang bagay na nakalaan sa atin. Tama.
Sa tuwing magiiwan ang sinoman ng bakas, sa tuwing tatapakan niya ang isang bagay, nagbabadya ito ng pagmamayari. Nababanaag ko si Josue, nung magkaroon siya ng pangitain; ang sabi niya, “Ngayon, tipunin mo ang buong Israel at tumayo kayo sa gilid ng Jordan, linisin ninyo ang inyong mga sarili, hugasan ninyo ang inyong mga kasuotan, at magtungo kayo doon sa pangpang kinaumagahan (Josue 3+4). Sinabi ng Diyos sa kaniya ang bagay na ito sa pamamagitan ng Kaniyang Salita, ang sabi ng Salita, “Ipinagkaloob ko sa inyo ang lupain. Ito’y sa inyo. Ito’y pagaari ninyo.” [7]
Ngayon, tayo ay mga tagapagmana ng lahat ng bagay (I Cor. 3:21-23; Ef. 3:6). Tama ba? Tayo ay mga tagapagmana ng lahat ng bagay. Iyan ang sabi ng Biblia. Tayo ay mga tagpagman ng lahat ng bagay, at lahat na. Hindi pa natin ito marahil naaangkin sa ngayon, subalit ito’y sa atin. Amen. O, luwalhati. Wala akong pagaari ni isang pulgada man ng lupain, gayonman ay sa akin pa rin ang lahat ng ito. Siyanga. Ang lahat ng bagay na ito ay sa atin, nakalaan ito sa mga tao, sa Iglesia, sa mga mananampalataya, ang Nobya ni Cristo ang nagmamayari ng bawat speck nito. Magantay lamang kayo, sa inyo rin naman nakalaan ang bagay na ito. Amen. Tayong lahat ay mga tagapagmana, kaya hayaan lamang ninyo na pasabugin nila ang isa’t isa. Ito ay nakalaan sa atin. Mapapasaatin din ang lahat ng bagay na ito. Hindi nila ito lubos na maisip, ngunit sadyang ganiyan; sa atin talaga nakalaan ang bagay na ito (Ecclesiastes 2:26). [8]
Ngayon, nalaman natin na Siya an gating Kamaganak na Manunubos, at kinuha Niya ang Aklat mula doon sa orihinal na Mayari. Ito ay ang titulo ng katubusan. Natuklasan natin ang bagay na iyan. Naaalala ba ninyo nung pagaralan natin iyan” ito’y titulo ng katubusan. Ito’y isang abstract deed, buhay ang hiningi ng Diyos doon sa Eden (Gen. 3:21); at si Jesus na Siyang matuwid ang namatay upang makuha Niya ang titulo, at nagawa niyang kalagin ang mga Tatak, ipahayag ang nilalaman nito, at ipagkaloob ang mana na nauukol sa Kaniya at sa Kaniyang bayan. Buhay na Walang Hanggan ang minana Niya dahil sa bagay na ito, ipinagkaloob Niya ang Sarili Niyang Buhay doon sa Kalbaryo, at binahagi ito sa ating lahat sa pamamagitan ng Banal na Espiritu (Mga Gawa 2:1-4). Amen. Walang sinomang tao ang may kakayanang gawin—ni isipin man ang ganitong uri ng pagibig, tulad ng bagay na ginawa Niya. [9]
At isipin na lamang natin sa ngayon kung saan hahantong ang ating mga iglesia. Tayo’y mga anak ng Diyos, lamang ay humuhulagpos ang ating mga mana dahil sa ating mga paguugali, sa mga bagay na ating ginagawa, at sa mga bagay na pinahihintulutan nating mangyari, at sa paraan ng pamumuhay natin at pagkilos at lahat na. Milyun milyon milya ang layo ng buhay natin sa pribilihiyong dapat sana’y maranasan natin. [10]
Kapatid, ang kailangan natin ay tunay na mga Cristiano, hindi mga jellyfish, bagkus ay mga taong may gulugod (Tama ‘yan.) na may kakayanang manindigan. O, hindi ko nais na maging magaspang sa mga tao, ngunit inuudyukan ko kayo na panindigan ninyo ang mga karapatang ipinagkaloob ng Diyos na siyang dahilan ng kamatayan ni Cristo. Siyanga. Hindi marapat na tayo’y maging mga lampa. Hindi po. Mayroon tayong mana. Amen. At ang ating mana ay nakalaan sa atin. Pribilehiyo ninyo na pakinabangan ang mga bagay na minana ninyo, sa pamamagitan ng pagtanggap ninyo kay Jesus Cristo at sa pamamagitan ng kamatayan g inyong mga sarili (Mat. 16:25). Kamanghamangha. Siyanga po. Ang sabi ni Satanas, “Buweno, sasabihin ko sa inyo kung ano gagawin ninyo.”
“Hindi, wala kang anomang gagawin.” Iyan ang paraan ng pakikpagusap sa kaniya. Sabihin mo, “Nalalaman ko ang aking posisyon kay Cristo, at makakabuti sa iyo na lumayulayo ka na. Hindi na ako makikinig pa sa iyo. Mayroon akong mana.” [11]
Sa Lumang Tipan, nalalaman natin na kapag may isang lalaki na may pinamumunuang kaharian at mayroon siyang anak na lalaki na ipinaganak sa kaniyang tahanan, ang anak na lalaking iyon, ay tunay na anak simula sa kaniyang kapanganakan. Subalit wala siyang taglay na mana habang hindi pa siya naipuposisyon sa dapat niyang kalagyan, kung saan siya ay kinupkop na sa pamilya. Pagkukupkop ang tawag nila sa bagay na ito. (Gal. 4:1-7). [12]
Reference:
[1] “Revelation Chapter 5 Part 2” (61-0618), par. 161-163
[2] “As I Was With Moses” (60-0911M), par. 64-68
[3] “Paradox” (61-1210), par. 311
[4] “Testimony Raising Dead Boy” (53-1203), par. E-79
[5] “My Commission” (51-0505), par. E-27
[6] “Why Little Bethlehem” (58-1228), par. 77
[7] “Great Warrior Joshua” (55-0119), par. E-38
[8] “Possessing All Things” (62-0506), par. 67
[9] “Gabriel’s Instructions To Daniel” (61-0730M), par. 56-57
[10] “Hear Ye Him” (57-0322), par. E-43
[11] “Water Of Separation” (55-0121), par. E-15
[12] “Hear Ye Him” (60-0712), par. E-33
Spiritual Building-Stone No. 193 from the Revealed Word of this hour, compiled by:
Gerd Rodewald, Friedenstr. 69, D-75328 Schömberg, Germany
www.biblebelievers.de, Fax: (+49) 72 35 33 06
There´s coming one with a Message that´s straight on the Bible, and quick work will circle the earth. The seeds will go in
newspapers, reading material, until every predestinated Seed of God has heard It.
[Bro. Branham in „Conduct-Order-Doctrine“, page 724]